Biyahe Tayo!

Ang buhay ay isang mahabang paglalakbay. Marami mang mga daan pero kailangan lang natin mamili kung alin ang daan na pupuntahan natin. Sa bawat daan na pinipili natin, hindi natin maiwasang may U-turn at kaialangan mong magdetour sa biyahe. Pero minsan, sayong detour, saka mo lang napansin ang mga magagandang halaman na namumulaklak sa daan. Hindi mo siya napansin dati kasi nga ang bilis ng takbo mo noong una. Masakit minsan ang bumalik sa simula pero minsan worth it naman na magsimula uli dahil nakikita natin ang mga bagay na hindi natin napapansin dati. Dahil dito, natututo tayong pahalagahan ang mga bagay na sa una ay walang halaga.

Minsan naman, may stopover. Kailangan nating huminto para bigyan ng pagkakataon na may ibang sumakay o kaya ay kailangan nating bumaba dahil may kailangan tayong daanan. Minsan naman ay humihinto lang tayo dahil simple lang, naagod tayo.

Minsan naman ay may alternative route, kailangan nating dumaan sa ibang daan para mapuntahan ang ating patutunguhan. Naiba man ang pamamaraan pero doon pa rin ang ating pinatunguhan.

 

Advertisements